formerly dreidaga.tumblr.com
*enter at your own risk!*
I will not be held responsible for any
damage the contents might incur to you
(you've been warned)
╰( ̄▽ ̄)╭

free counters


  • Mawsworks
  • Mawslife
  • About Me
  • Itanong mo kay Mawsiee
  • Seloso

    Ako yun hahaha..

    Malaman ko lang, o makita na may kasama siyang iba, kausap na iba, nagseselos na ako! Lalong lalo na kapag nakangiti siya, tumatawa siya, masaya siya kasama nila tapos napapaisip ako, kaya ko ba palabasin ang mga ngiti niya, patawanin siya, pasayahin siya tulad ng ginagawa nila?

    Kaya ako lalo nagseselos minsan, dahil iniisip ko ang mga ganitong bagay. Dahil alam ko hindi bawat oras, bawat minuto, bawat segundo ay kaya ko siyang makasama at pasayahin. Dahil alam ko maraming bagay ang hindi ko kayang ibigay sa kanya. Dahil alam ko sa sarili ko na marami akong pagkukulang. Dahil alam ko na mas marami pa ang nararapat sa kanya. At lalo na dahil alam ko na mahal na mahal ko siya at ayaw ko siya mawala sa akin kahit na maraming bagay ang alam ko na hindi ko kaya!

    Ughh.. Kelangan ko lang talaga mag rant minsan! Para mailabas yung mga nararamdan mo na hindi mo basta masabi!

    NAGSESELOS AKO!!!

    Buti hindi pa ako umaabot sa puntong kung anu ano na nagagawa kong masama dahil sa selos na toh! Ikamamataynko tong selos na toh balang araw :(